Linggo ng Kabataang Maynila 2019 naging MATAGUMPAY!

by: JUAN CARLOS SARMIENTO, Project Development Officer II

          Malikhaing Kabataang Maynila: Kaagapay sa Pag-asenso ng Lungsod na Makabago, ito ang tema ng Linggo ng Kabataang Maynila 2019. Matagumpay ang taunang selebrasyon na nagbibigay ng pagkakataon sa kabataang Manilenyo na manilbihan bilang piling opisyal ng paaralan, Sangay ng mga Paaralang Lungsod at maging ng pamahalaang Lungsod ng Maynila.

 

          Hinirang bilang Boy Mayor si Ignacius Carell A. Cruz ng F. Torres High School at Boy Vice-Mayor naman si John Luis L. Tolentino ng R. Magsaysay High School. Nagkaroon ang dalawang kabataan ng pagkakataon na manilbihan sa bayan sa mismong opisina nina alkalde Kagg. Francisco “Isko Moreno” Domagoso at bise-alkalde  Kagg. Dra. Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan.

 

          Hinirang naman si Angela Mae H. Mupada ng Tondo High School bilang kabataang katapat ng Tagapamanihala ng mga Paaralang Sangay ng Maynila Dr. Maria Magdalena M. Lim, CESO V. Katulad nina Cruz at Tolentino, si Mupada ay nanilbihan sa mismong opisina ng punong tagapamanihala.

 

          Samantala, hinirang naman sina Clark Kent S. Suva ng C. Arellano High School at Earl Anderson R. Buenviaje ng Lakan Dula High School bilang mga Katuwang na Tagapamanihala ng mga Paaralang Sangay, kabataang katapat nina G. Pedro M. Arao at Bb. Marivic R. Leaño.

 

          Ang mga kabataang opisyal ay dumaan sa masusing screening at training sa pangunguna ni G. Virgilio A. Santos (Chief, SGOD) at G. Aaron A. Tolentino (SEPS, SMN-SGOD). Narito ang kabuuang listahan ng mga kabataang hinirang sa iba’t-iba pang mga posisyon.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial